Sa naantalang ulat na nakarating sa tanggapan ni Police Regional Office 3 (PRO3) Director Chief Supt. Roberto Calinisan, kinilala nito ang napatay na opisyal na si S/Supt. Romeo Pillonar, chief of police ng Nampicuan police station sa nabanggit na lalawigan.
Si Pillonar ay namatay noon din sa pinangyarihan sanhi ng tinamo nitong mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan mula sa matataas na kalibre ng baril.
Ayon sa imbestigasyon, dakong ala-6 ng gabi habang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar patungo sa kanyang presinto ng biglang sumulpot ang apat na armadong kalalakihan na hinihinalang mga miyembro ng rebeldeng NPA lulan ang mga ito ng isang kulay pulang sasakyan at isang motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima at pagkatapos mabilis na nagsitakas ang mga suspek. (Ulat ni Jeff Tombado)