Ex-convict pumatay dahil sa "My Way"
November 28, 2000 | 12:00am
ANGONO, Rizal Balik-kulungan ang isang 32-anyos na ex-convict matapos niyang saksakin at mapatay ang nambugbog sa kanyang kaibigan dahil sa pag-aagawan sa mikropono upang kantahin ang paborito nilang awiting "My Way" kamakalawa ng gabi sa bayang ito.
Namatay sa ibabaw ng mesang kanilang pinag-iinuman ang biktimang si Antonio Floralde, 35, residente ng Villa Angelina, Brgy. San Isidro. Nagtamo ito ng maraming tama ng saksak sa buong katawan.
Agad namang naaresto ang mga suspek na sina Jun Torres, ex-convict at Jesus Aguid, 31; kapwa pahinante ng trak.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Jenet Reyes, magkahiwalay na nag-iinuman sina Floralde at Aguid sa loob ng Billiard Hall sa may Carlos "Botong" Francisco Avenue, Brgy. San Isidro at kumakanta sa videoke.
Nang bigla umanong tumugtog ang awitin ni Frank Sinatra na "My Way", agad na hinablot ni Aguid ang mikropono at naunahan nito si Floralde. Sa inis at impluwensya ng alak, galit na pinagsusuntok at pinagtatadyakan ni Floralde si Aguid.
Lumabas ng beerhouse si Aguid at nagsumbong kay Torres na agad bumalik sa naturang lugar at paulit-ulit na pinagtulungang saksakin ng mga ito ang biktima hanggang sa tuluyang mapatay.
Nabatid pa sa pulisya na isang kilabot na kriminal si Torres at kalalaya lamang nito mula sa Iwahig Penal Colony sa Palawan na nakulong ng sampung taon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
15 hours ago
Recommended