Opisyal ng bangko kinidnap
November 27, 2000 | 12:00am
Dinukot ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan ang managing director ng isang bangko ng harangin ang sasakyan ng biktima sa bisinidad ng Mapawa, Malasog, Cagayan de Oro City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Kinilala ng pulisya ang kinidnap na biktima na si Enrique Fabella Pelaez, managing director ng Mindanao Development Bank na matatagpuan sa Claro M. Recto Avenue ng nasabing lungsod.
Sa ulat na ipinarating kahapon ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-9:30 ng gabi habang ang biktima ay nagmamaneho ng kaniyang sasakyan Tamaraw FX na may plakang GHV-350 sa kahabaan ng Mapawa nang harangin ng mga kidnappers.
Napag-alaman na kagagaling lang ng biktima sa isang salu-salo sa Golden Arirang Restaurant, Recto Avenue, Cagayan de Oro City ng maganap ang insidente.
Narekober naman ng mga awtoridad ang inabandonang sasakyan ng biktima sa kahabaan ng Recto Avenue.
Sa kasalukuyan ay dalawang anggulo ang masusing sinisiyasat ng mga awtoridad, una ay ang posibilidad na ang biktima ay kinidnap ng miyembro ng separatistang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front.
Ikalawa ay maaaring dinukot ito ng kidnap-for-ransom gang na nag-o-operate sa Cagayan de Oro at mga karatig lugar.
Patuloy ang isinasagawang search and rescue operations ng magkakasanib na elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) 10 at ng Presidential Anti Organized Crime Task Force (PAOCTF) Satellite Team mula sa Iligan City upang mabawi ang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended