Mister na naki-despedida party tinodas
November 26, 2000 | 12:00am
BACOOR, Cavite Hindi na umabot ng pagamutan ang isang 25-anyos na mister makaraan itong barilin ng dalawang hindi nakilalang salarin habang ito ay nag-aabang ng tricycle pauwi galing sa isang despedida party, kamakalawa ng madaling-araw sa may Brgy. Molino, bayang ito.
Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan ay kinilala ni Pol. Supt. Manuel Barcena, hepe ng pulisya sa bayang ito na si Stanley Guanzon, may asawa, residente ng Blk. 22, Lot 4, Adelfa St., Gardeña Valley, Molino 3 bayang ito.
Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala ang dalawang suspect na mabilis na tumakas sakay ng isang tricycle dala ang ginamit na baril.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Kenneth Tortona, may hawak ng kaso, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang pangyayari, kasalukuyang nag-aabang ng tricycle ang biktima galing sa isang despedida party ng kanyang kaanak nang bigla na lamang may huminto sa tapat nitong isang tricycle at dito binaril ang biktima.
Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa ng pulisya ang motibo sa nasabing pananambang. May hinala naman ang pulisya na mayroon umanong personal na galit ang mga suspect sa biktima kung kayat isinagawa ang krimen.
Mabilis namang dinala sa Metro South Hospital ang biktima subalit hindi na ito umabot nang buhay. Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya sa nasabing kaso. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest