Trader tiklo sa pekeng sigarilyo
November 24, 2000 | 12:00am
Dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang isang Fil-Chinese businessman makaraang masamsaman sa safehouse nito ng may 118 kahon ng pekeng smuggled na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng isang milyong piso sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Zambales, kamakalawa.
Nakilala ang nadakip na si Mark Sy Hue, ng Barangay Lipay, Iba ng nasabing lalawigan.
Batay sa ulat, dakong alas-8 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng operatiba ng Zambales Provincial Police Office, Iba Municipal Police Station at mga tauhan ni Gov. Vicente Magsaysay sa safehouse ng suspect na nakabase sa nasabing lugar.
Sa bisa na rin ng ipinalabas na search warrant ng Municipal Trial Court ng Iba, Zambales, laban sa suspect ay agad na hinalughog ng mga awtoridad ang nasabing safehouse kung saan ay nakita nila ang kahon-kahong pekeng sigarilyong Marlboro.
Kasalukuyan nang nakapiit sa Zambales PPO ang suspect habang inihahanda na ang kasong isasampa laban dito. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended