^

Probinsiya

2 pulis nagsuntukan sa harap ng PNP opisyal

-
LUCENA CITY – Nanganganib na maipatapon sa ibang bayan ang dalawang aktibong miyembro ng pulisya sa bayang ito matapos na ang mga ito ay magsuntukan sa harapan ng kanilang mataas na opisyal, kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang dalawang nagsuntukang pulis na sina SPO4 Numeriano Aguilar at SPO3 Jhonny Escalderon, kapwa nakatalaga sa subpoena and warrant section ng Lucena police.

Naganap ang pagsusuntukan ng dalawang pulis dakong alas-9:00 ng umaga sa mismong opisina ni Supt. Amado Hernandez, deputy chief of police ng Lucena.

Nabatid na ang dalawa ay may matagal ng alitan at ng magpanagpo sa harapan ni Supt. Hernandez ay agad na nagpalitan ang mga ito ng maaanghang na salita na nauwi sa suntukan.

Mabilis na dinisarmahan ni Hernandez at ni Chief Inspector Nelson Lequin ang dalawang pulis upang hindi na lumala pa ang sitwasyon at kinalaunan ay naawat rin ang mga ito.

Ayon kay Hernandez, sa panayam ng mga mamamahayag na hinayaan niyang magsuntukan ang dalawang pulis sa kanyang harapan upang matapos na ang alitan ng mga ito.

Nagkamay umano ang dalawa pagkatapos na magsuntukan, gayunman ay nangangamba ang ilang insiders sa Lucena police na maaaring hindi pa tapos ang alitan nina Aguilar at Escalderon at dapat na patawan ang mga ito ng disciplinary action. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

AGUILAR

AMADO HERNANDEZ

AYON

CHIEF INSPECTOR NELSON LEQUIN

ESCALDERON

HERNANDEZ

JHONNY ESCALDERON

LUCENA

NUMERIANO AGUILAR

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with