9 MILF rebels patay sa engkuwentro
November 23, 2000 | 12:00am
COTABATO CITY Binigo ng tropa ng pamahalaan ang planong muling paglulunsad ng mga pag-atake ng grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bayan ng Carmen sa North Cotabatao na dito siyam na mga rebelde ang iniulat na nasawi, samantalang 13 iba pa ang sugatan sa naganap na tatlong oras na labanan.
Ayon kay Major Julieto Ando, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Phil. Army (PA) na unang namataan ng mga sundalo at militiamen na nagbabantay sa outpost sa Barangay Ugalingan sa bayan ng Carmen ang mga rebelde na nagmamartsa patungo sa isang village para mangolekta ng buwis sa mga mamamayan.
Ayon sa ulat, nakumpirmang bumaba ng kabundukan ang mga rebelde para kumolekta ng pagkain at mga alagang hayop sa mga magsasaka sa naturang village.
Binanggit pa ni Col. Hermogenes Esperon, commander ng 602nd Brigade ng Army na nakabase sa Carmen na layunin ng mga rebelde na atakihin ang mga magsasaka sa naturang lugar para ipahiya ang tropa ng pamahalaan bilang ganti naman sa ginawa ng mga itong pag-capture sa siyam na MILF camps sa North Cotabato. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended