Drug pusher piniyansahan bago sinalvage
November 22, 2000 | 12:00am
BINANGONAN, Rizal Hinihinalang dahil sa sobrang dami na nang nalalaman ng isang kilabot na pusher sa operasyon ng isang sindikato ng droga, nilikida ito matapos na piyansahan sa kulungan sa bayang ito.
Nakilala ang nasawi na si Marcelino Santos, alyas Aga, 28, binata, residente ng Bagong Bayan, Barangay Darangan ng bayang ito. Natagpuan itong may isang tama ng bala sa kanyang noo, nakatali at may placard sa dibdib na nagsasabing "Pusher ako. Huwag akong tularan".
Ayon kay SPO4 Daniel Gonzaga, hepe ng Criminal Investigation Division ng Binangonan PNP, naaresto umano kamakailan si Santos ng pulisya dahil sa pagtutulak ng droga.
Isang babae na nakilala lamang na Ruby ang umanoy nag-asikaso sa piyansa nito at nakalabas sa Binangonan Municipal Jail noong nakalipas na Nobyembre 17.
Dakong alas-5 ng Nobyembre 18 nang matagpuan ang bangkay ni Santos sa isang bakanteng lote sa may gilid ng kalsada sa Barangay Darangan.
Isang masusing imbestigasyon na ngayon ang isinasagawa ng pulisya ukol dito, para sa ikadarakip ng mga salarin. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest