Trader kinatay ng 3 kasamahan
November 21, 2000 | 12:00am
KAMPO ALEJO SANTOS, Bulacan Isang negosyante ng karne ng baboy ang iniulat na kinatay ng kanyang tatlong kasamahan sa loob mismo ng isang tumatakbong owner type jeep na pag-aari nito sa kahabaan ng isang daan sa Barangay Mahabang Parang, Sta. Maria sa lalawigang ito, kamakalawa ng umaga.
Bukod dito, tinangay din ng mga suspect ang P20,000 cash ng biktima na sinasabing pambili nito nang buhay na baboy.
Sa ulat na tinanggap ni Superintendent Edgardo Tinio, hepe ng Bulacan PNP Intelligence and Investigation Group, ang biktima na nagtamo ng maraming saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan at patay na nang idating sa pagamutan ay nakilalang si Pedro Marcos, 42, residente ng Barangay Pasolo, Valenzuela, Metro Manila.
Samantala, kaagad namang nadakip ang isa sa tatlong suspect na nakilalang si Oscar Patrimonio, 23, may asawa at residente rin sa nabanggit na lugar.
Batay sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga habang ang biktima ay lulan ng kanyang sasakyan kasama ang tatlong mga suspect nang bigla na lamang umanong magkagulo ang mga ito sa loob ng nasabing sasakyan.
May hinala ang mga awtoridad na posibleng pera lamang ang pakay ng tatlong suspect sa biktima at maaaring nanlaban ito kaya siya pinagsasaksak at pagdakay iniwang walang buhay sa loob ng kanyang sariling sasakyan.
Nabawi naman ng pulisya mula sa nadakip na suspect ang halagang P20,000 cash na kinulimbat sa biktima at ilang mga alahas na suot nito nang kanilang patayin. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Tony Sandoval | 3 hours ago
Recommended