Mag-iinang dinukot ng Sayyaf, pinalaya na
November 21, 2000 | 12:00am
Matapos ang halos dalawang linggong pagkakabihag, pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang dinukot na mag-iina na kamag-anak ng isang Cafgu sa isang lugar sa Isabela, Basilan, kamakalawa.
Nakilala ang mga pinalayang mag-iina na sina Leticia Pascual at mga anak nitong sina Vicente at Mary Grace, pawang mga taga Kumaralang, Isabela sa naturang lalawigan.
Ang mag-iina na pinakawalan matapos ang masusing negosasyon na isinagawa ng mga emisaryo ng lokal na pamahalaan.
Magugunita na ang mga biktima ay dinukot ng 60 armadong Abu Sayyaf noong nakaraang Nobyembre 6 nang pasukin ng mga bandido ang kanilang tahanan at dalhin sila sa kagubatan ng naturang barangay.
Napag-alaman na kamag-anak ng mga biktima ang isang military man na kinaiinisan ng Abu Sayyaf kung kaya ag mga ito ang napagbalingan at dinukot. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest