^

Probinsiya

PNP nagbabala sa rallyista

-
Nagbanta ang kapulisan ng Region 3 na kanilang aarestuhin ang mga rallyist na magtatangkang manggulo sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa Olongapo City upang iparalisa ang paggawa at daloy ng negosyo sa naturang lugar.

Ang kautusan ay ipinalabas ni Regional Director Chief Supt. Roberto Calinisan kasunod ng isinagawang kilos-protesta noong Biyernes na nagbunsod ng pambabato ng di-kilalang rallyista na umano’y tagasuporta ni dating SBMA chairman Richard Gordon.

Sa halip, ang mayoryang grupo umano ng FSC na mahigit sa 5,000 manggagawa ay nagkonsentra lamang sa pangunguna ng mga barangay officials at mga city hall employees sa pagkondena hinggil sa kasalukuyang administrasyon ng SBMA.

Nagpakalat na si Calinisan ng daan-daang pulis sa paligid mula sa exit at entry points ng SBMA upang masiguro ang katahimikan at kaayusan doon. (Ulat ni Ellen Fernando)

BIYERNES

CALINISAN

ELLEN FERNANDO

NAGBANTA

NAGPAKALAT

OLONGAPO CITY

REGIONAL DIRECTOR CHIEF SUPT

RICHARD GORDON

ROBERTO CALINISAN

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with