^

Probinsiya

Nag-agawan sa mikropono, obrero tinodas

-
Hindi talaga mapiligan ng panahon ang pagsunod ng mga tagahanga ni Frank Sinatra sa hukay makaraang isa na namang nais kantahin ang awitin nitong ‘‘My Way’’ ang sinaksak at nasawi sa loob ng karaoke bar sa Cainta, Rizal.

Ang biktima ay nakilalang si Romy Balgome, 44, construction worker ng Laura St. Purok 3 Area 5 Belama, Quezon City ay hindi na umabot ng buhay matapos isugod sa Amang Rodriguez Hospital dahil sa tinamong saksak sa dibdib.

Agad namang nasakote ng mga nagrespondeng tanod ang suspek na si Elmer Silvestre, 30 ng Caloocan City at kasalukuyan itong nakaditine sa Cainta Municipal Jail at nahaharap sa kasong homicide.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-2 kahapon ng madaling araw ay kapwa customer ang suspek at ang biktima sa J&J Karaoke sa kahabaan ng London St. Cypress Village, Brgy. Sto. Domingo.

Dahil kapwa na lasing, nag-agawan ito ng mikropono nang biglang lumabas ang awiting ‘‘My Way’’ na kapwa nila hinulugan ng coins at sabay na inaabangan.

Dahil dito ay sinaksak ng suspek ang biktima matapos na mauna nitong nakuha ang mikropono at agad na kumanta. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ HOSPITAL

CAINTA MUNICIPAL JAIL

CALOOCAN CITY

DAHIL

DANILO GARCIA

ELMER SILVESTRE

FRANK SINATRA

J KARAOKE

LAURA ST. PUROK

MY WAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with