^

Probinsiya

Ex-brgy. chairman, ex-Cafgu dinukot, pinatay ng NPA rebels

-
DONSOL, Sorsogon – Isang dating barangay chairman at dating miyembro ng CAFGU na sabay na dinukot at pinatay ng hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang natagpuan kahapon ng madaling araw sa tabi ng kalsada ng Barangay Pangpang sa bayang nabanggit.

Nakilala ang dalawang biktima na kapwa nagtamo ng maraming tama ng bala sa kanilang mga katawan na sina Ex-Barangay Chairman Felipe Andeza at ang dating CAFGU na si Jose Feliciano, 29.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya ang bangkay ng dalawang biktima ay natagpuan ng mga residente sa tabi ng kalsada dakong alas- 4 ng madaling araw.

Binanggit pa sa ulat na halos sabay na dinukot ng mga armadong kabataang hinihinalang mga rebeldeng NPA ang dalawang biktima sa kani-kanilang mga bahay.

Kapwa rin piniringan ang mga mata at itinali ang mga kamay ng dalawang biktima bago tuluyang pinatay.

Malaki ang paniwala ng pulisya na dumanas nang matinding pahirap ang dalawa bago pinaslang ng mga salarin.

Ayon sa maybahay ng nasawing si Feliciano na habang sila ay natutulog sa loob ng kanilang bahay dakong alas-10:30 ng gabi kamakalawa ay bigla na lamang pumasok ang pitong suspect at pagkatapos ay sapilitang dinala ang kanyang asawa.

Ilang minuto ang nakalipas ay narinig niya ang sunud-sunod na putok may ilang metro ang layo sa kanilang bahay.

Dahil sa matinding takot hindi agad nagawa ng asawa ni Feliciano na lumabas ng bahay, hanggang sa kinabukasan na lamang ng matagpuan ang bangkay nito kasama si Andeza.

Hindi pa matiyak kung ano ang motibo ng mga salarin para dukutin at paslangin ang mga biktima. Isang masusing imbestigasyon naman ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Ed Casulla)

ANDEZA

AYON

BARANGAY PANGPANG

ED CASULLA

EX-BARANGAY CHAIRMAN FELIPE ANDEZA

FELICIANO

ISANG

JOSE FELICIANO

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with