73 MILF, 17 NPA rebels sumuko

Pitumpu’t tatlong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at 17 komunistang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan sa magkakahiwalay na lugar sa Bukidnon, Cotabato, Lanao del Sur at Basilan, ayon sa ulat kahapon.

Ang pagsuko ng mga rebeldeng MILF ay sa kabila ng kinakaharap na kontrobersiya ni Pangulong Joseph Estrada matapos na tuluyang maudlot ang pagpapatuloy ng peace talks sa hanay ng separatistang grupo bunga ng impeachment case na isinampa sa Senado.

Sa lalawigan ng Bukidnon, 43 MILF at 17 NPA rebels ang sumuko at nagbalik ng kanilang mga armas sa isang simpleng seremonya na isinagawa dakong alas-8 ng umaga sa Bukidnon Institute of Catechetics sa Malaybalay City. Tumanggap ng tig-2, 500 cash bilang emergency assistance ang mga surrenderees mula sa lokal na pamahalaan.

Ang mga nagsisuko ay pormal na tinanggap nina Bukidnon Vice-Gov. Nemesio Beltran, Col. Ernesto Lumang ng 403rd Infantry Brigade ng Army.

Sumuko naman sa Camp Ranao, Marawi City sa Lanao del Sur ang pito pang MILF rebels sa pangunguna ni Kumander Cambal Ungiw Acbar ng 302nd Brigade ng Bangsa Islamic Armed Forces.

Samantalang sampu pang mga rebeldeng MILF ang sumuko sa headquarters ng 6th Infantry Battalion sa Camp Paulino Santos, Barangay Dado, Alamada, Cotabato. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments