^

Probinsiya

Rapist na lolo at magsasaka hinatulan ng habambuhay

-
DAET, Camarines Norte – Isang lolo at isang magsasaka ang kapwa hinatulan ng hukuman nang habambuhay na pagkabilanggo makaraang mapatunayang guilty sa kasong panggagahasa tatlong taon na ang nakakalipas.

Unang hinatulan ni Judge Sancho Dames II ng Regional Trial Court Branch 38 ng Daet Camarines Norte ang lolong si Alfredo Ramirez, 82, na sangkot sa panghahalay sa kanyang ampon noong nakalipas na Oktubre 24, 1997.

Ikalawang hinatulan ni Judge Dames ang isang magsasaka na nakilalang si Joselito Aceron, 30, ng Barangay Mangcayo, Vonzons, Camarines Norte.

Ang akusadong si Aceron ay napatunayang nagkasala makaraang gahasain ang isang dalaga sa Sitio Corregidor ng nasabing barangay noong nakalipas na Abril 1, 1997.

Bukod sa habambuhay na pagkabilanggo, inatasan din ng hukuman ang dalawang akusado na bayaran ang kanilang mga biktima ng halagang P100,000 bilang kabuuang damage.

Ang dalawa na pansamantalang nakapiit sa Camarines Norte Provincial Jail ay nakatakdang ilipat sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa. (Ulat ni Francis Elevado)

ALFREDO RAMIREZ

BARANGAY MANGCAYO

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL JAIL

DAET CAMARINES NORTE

FRANCIS ELEVADO

JOSELITO ACERON

JUDGE DAMES

JUDGE SANCHO DAMES

NATIONAL BILIBID PRISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with