^

Probinsiya

Pera na pambili ng damit beauty contest, tinangay ng bakla

-
ANTIPOLO CITY – Sa kagustuhang magwagi sa beauty contest na nakatakda niyang salihan isang 18-anyos na bakla ang tumangay ng P 14,000 cash na ipinambili ng mga gamit pampaganda , kahapon ng umaga sa lunsod na ito.

Nabigo naman ang suspect na nakilalang si Roanson Romano, alyas Roa, residente ng Purok 10, Circumferential Road, Barangay San Roque sa kanyang ambisyong maging ‘Reyna ng Kagandahan ‘matapos siyang dakpin ng mga kagawad ng pulisya.

Sa isinagawang imbestigasyon, ipinagkatiwala ng biktimang si Dionisio Voluntarioso, 35, kay Roa ang halagang P 14,000 na nakatakda niyang ipambayad sa kinuha niyang tricycle.

Agad namang nagtungo sa Ali Mall si Roa at namili ng mga mamahaling make-up , damit at sapatos na gagamitin niya sa sinalihang contest.

Sa kanyang alibi, sinabi ni Roa na akala niya ay ibinigay sa kanya ng biktima ang naturang halaga bilang suporta sa sinalihan niyang contest.

Ang suspect ay nakapiit ngayon sa Antipolo Detention Cell at inihahanda na ang kaso laban dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALI MALL

ANTIPOLO DETENTION CELL

BARANGAY SAN ROQUE

CIRCUMFERENTIAL ROAD

DANILO GARCIA

DIONISIO VOLUNTARIOSO

KAGANDAHAN

NABIGO

ROA

ROANSON ROMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with