^

Probinsiya

3 opisyal, 17 pulis sinibak

-
Dahil sa kapabayaan sa kanilang mga tungkulin at pagkakasangkot sa illegal gambling gaya ng jueteng at ilang mga kasong administratibo ay sinibak sa kanilang mga tungkulin ang 3 matataas na opisyales at 1 pang mga miyembro ng PNP Regional Command 12.

Bagaman tumangging magbigay ng pangalan ang pamunuan ng PNP Recom-12 ay tahasan namang sinabi ni Raval na kaya rin umano naging matagumpay ang mga sunud-sunod na pag-atake ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kaniyang ‘area of responsibility’ (AOR) ay dahil na rin sa kapabayaan ng ilang mga opisyales at miyembro ng pulisya dito.

Ayon kay P/Supt. Manuel Raval mula sa Central Mindanao ay nakatakdang sipain patungong mga rehiyon ng Cordillera at Samar ang ilang mga pulis mula sa kaniyang sinasakupan.

Napag-alaman na kasama rito ang PNP Regional Mobile Group-12 na nakatalaga sa Barangay Tambler ng General Santos City na kung saan noong mga nakaraang araw ay matagumpay na inatake ng 40 na miyembro ng MILF ang kanilang detachment. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

BARANGAY TAMBLER

CENTRAL MINDANAO

GENERAL SANTOS CITY

MANUEL RAVAL

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

REGIONAL COMMAND

REGIONAL MOBILE GROUP

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with