^

Probinsiya

Pulis na may kasong murder, nilikida

-
CATAINGAN, Masbate – Isang miyembro ng Phil. National Police (PNP) na may kasong murder ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa labas ng Municipal Jail ng Cataingan sa Barangay Curvada sa bayang ito, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si SPO1 Ronilo Hermosa, 39, miyembro ng Cataingan Municipal Police Station at residente ng naturang lugar.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas- 9 ng umaga habang ang biktima ay nasa labas ng nabanggit na municipal jail ng biglang lapitan ng apat na armadong kabataan na hinihinalang mga rebeldeng NPA at walang sabi-sabing pinagbabaril nang malapitan ang biktima.

Napag-alaman na ang biktima ay kasalukuyang nakakulong dahil sa kasong pagpatay.

Binanggit pa sa ulat na kasalukuyang nagpapahinga ang biktima sa labas ng kulungan ng lapitan ng mga suspect.

Matapos ang isinagawang krimen ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect.

Malaki ang paniwala ng mga awtoridad na ang biktima ay sinentensiyahan ng mga rebelde bilang paghihiganti dahil sa ang napaslang nito ay kaanak ng isang mataas na opisyal ng kilusang komunista.

Samantala, nagpalabas naman ng kautusan si Provincial Director Superintendent Julius Ovilla para masusing imbestigahan kung papaanong ang naturang biktima ay nakalabas ng kulungan at napatay ng mga rebelde. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY CURVADA

BATAY

BIKTIMA

CATAINGAN MUNICIPAL POLICE STATION

ED CASULLA

MUNICIPAL JAIL

NATIONAL POLICE

NEW PEOPLE

PROVINCIAL DIRECTOR SUPERINTENDENT JULIUS OVILLA

RONILO HERMOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with