Ang arraignment sa kaso nina Kan Shun Min, Cheung Kowk Wai, Chang Chaun Shi at Ng Yik Bun ay ipinagpaliban dahilan sa kawalan ng interpreter na makapagsasalita ng Mandarin Chinese na tanging alam na wika ng mga ito.
Si Tan at Shilou Chua na iprinisinta ng kanyang abogado ay nag-plead ng not guilty at kapwa nakakaintinding salitang Tagalog.
Ayon kay Atty. Glen Tan, counsel ni Tan at ng apat na iba pa, karapatan ng mga inaakusahan na ipaliwanag sa mga ito ang demanda laban sa kanila sa pamamagitan ng wikang kanilang naiintindihan.
Magugunita na ang anim na Taiwanese ay nadakip ng pinagsanib na elemento ng binuwag na Task Force Aduana, SOLCOM, at Quezon PNP Command noong gabi ng Agosto 24, 2000 sa baybay dagat ng Barangay Bignay 2 Sariaya, Quezon dahil sa tangkang pagpupuslit papasok ng bansa ng 365 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P730 million.
Si Raymund Tan ay minsan na ring nalagay sa panganib ang buhay ng ito ay saksakin sa likod ng isang preso sa kanilang kinakukulungang selda sa Quezon Provincial Jail dahilan sa pakikipag-usap nito sa kanyang mga kasamahang tsino na ikinagalit ng suspek na hindi nakakaintindi sa wika ng mga tsino. (Ulat ni Tony Sandoval)