13 sasakyan inararo ng truck: 6 katao todas, 10 grabe
November 15, 2000 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, CALAMBA Laguna Anim na katao ang nasawi habang sampu pa ang nasugatan makaraang araruhin ng isang ten wheeler truck ang may labintatlong sasakyan sa kahabaan ng National Road Brgy. Real kamakalawa ng hapon sa lalawigang ito.
Ang mga biktimang namatay noon din ay sina Florencio Leoporbo, empleyado; Jonnie Aranguste, estudyante; Rogine Alona, Joaquin Armin at Sergio Marcelino, tricycle driver habang ang isa ay hindi pa nakikilala.
Samantala ang mga nasugatan ay dinala sa magkakahiwalay na pagamutan sa lalawigang ito at pansamantala pang inaalam ang mga pangalan.
Batay sa report ng pulisya, dakong alas-12:30 ng hapon habang bumabagtas sa nasabing lugar ang ten wheeler truck na may plakang PUK 350 na may lamang 2,000 bag ng semento na pag-aari ng International Harvester Trailer.
Sa bilis ng takbo nito kaya hindi nakayanan ng preno dahil sa basa ang kalsada dulot ng pag-ulan kaya ito ay dumiretso sa mga nakatigil na mga sasakyan.
Isa-isang inararo na kinabibilangan ng passenger jeep, FX van, L-300 van, mga tricycle, at iba pang sasakyan na pawang may lamang pasahero.
Mabilis na tumakas ang driver at ang dalawang pahinante ng killer truck. (Ulat nina Ed Amaoroso at Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest