2 Tsinoy tiklo sa drug bust
November 14, 2000 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Dalawang Filipino-Chinese na hinihinalang mga bigtime drug dealer ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Tarlac Provincial Police Office (TPPO) at ng Provincial Narcotics Field Group (PNFG) at nasamsam sa mga ito ang 300 gramo ng shabu sa Block 7, Barangay San Nicolas, Tarlac City, kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang dalawang nadakip na suspek na sina Amado Ho, 56, isang negosyante ng Block 7, Barangay San Nicolas sa naturang lalawigan at si Benito Ong, 59, residente ng M.H. Del Pilar Street, Barangay Sto. Cristo, Tarlac City.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga suspek ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Sto. Cristo sa nasabing lugar dakong alas-10:45 ng gabi matapos na magpanggap na buyer ng naturang droga ang isang ahente ng PNFG sa mga suspek.
Matapos iabot ng mga ito ang ilang sachet na naglalaman ng shabu sa nagpanggap na buyer ay mabilis na inaresto ng mga awtoridad.
Nakuha ng mga awtoridad mula sa posesyon ng mga suspek ang tinatayang 300 gramo ng high-grade shabu na nagkakahalaga ng P.5M pisong halagang street value. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended