^

Probinsiya

Tunnel gumuho: 3 minero nalibing

-
MASINOC, Zambales – Tatlong minero ng Cotto Mines ang iniulat na nasawi makaraang matabunan ng gumuhong lupa ng yungib na kanilang pinagta-trabahuhan ng bayang ito, kahapon.

Kinilala ni Sr. Insp. Nilo Santos, hepe ng Masinloc Police Station, ang mga nasawi ay sina, Juan Vinluang, 48, ng Brgy. Dulo, Camarines Sur; Mamerto Ibañez, 43, ng Bolinao, Pangasinan at Marcelo Lacerna, Sr., 45, residente ng Tayug, Pangasinan. Ang mga biktima ay pawang mga minero ng Zambales Mineral Chromite Reserve, na ayon sa ulat ay naka-base sa dating Cotto Mines.

Ayon sa impormasyong nasagap ng PSN, bigla umanong bumagsak ang ‘‘tunnel’’ na binabagtas ng naturang mga minero, dahilan upang sila’y matabunan ng lupa. Ang pagguho ng lupa ay bunga na rin umano ng pagkakaroon ng ‘‘soil erosion’’ sanhi ng sunud-sunod na pagdaan ng bagyo na may kasamang malakas na buhos ng ulan nitong nakaraang mga araw.

Ang mga bangkay nina Vinluang at Ibañez ay inabot ng halos dalawang linggo bago naiahon ng mga retrieval team samantalang si Lacerna ay tumagal lamang ng ilang araw dahil sa nasa malambot na bahagi ito ng lupa matapos maganap ang insidente noong Oktubre 17, taong ito.

Inilihim pa umano ng kumpanya ang naturang pangyayari sa kanilang mga empleyado, sa pangambang magkaroon ng kaguluhan sa mga kamag-anakan at pamilya ng mga apektadong mga biktima. Ngunit ang mga kaganapan ay di rin nakalusot sa matalas na kaalaman ng pulisya, kung kaya ito ay kaagad nilang pina-imbestigahan.

Inaalam na rin ngayon ng pulisya kung ang nabanggit na kumpanya ng minahan ay may lisensya. (Ulat ni Erickson Lovino)

CAMARINES SUR

COTTO MINES

ERICKSON LOVINO

JUAN VINLUANG

MAMERTO IBA

MARCELO LACERNA

MASINLOC POLICE STATION

NILO SANTOS

PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with