Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Police Regional Office 3 (PRO-3) Director Chief Supt. Roberto Calinisan, kinilala nito ang kumander na pinaslang ng kanyang mga tauhan na si Honorio Cariño alyas "Kumander Kidlat, 60, naninirahan sa Barangay Santo Niño, Bamban, Tarlac.
Si Cariño ay namatay noon din sa pinangyarihan sanhi ng tinamo nitong mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan mula sa M-16 riffle at carbine.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:15 ng gabi, dumating umano sa bahay ng biktima ang may tinatayang pitong armadong kalalakihan na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril at sinabing ipinatatawag umano siya ng kanilang mga superior.
Habang naglalakad umano sila sa nasabing lugar patungo sa kanilang kampo ay bigla umanong dinisarmahan ng mga rebelde ang biktima at mabilis na tinali ang mga kamay nito ng patalikod at walang awang nilaslas ng mga ito ang lalamunan bago pinagbibistay ng mga bala.
Napag-alaman sa ulat na hinatulan umano ang biktima sa ilalim ng Peoples Court ng CPP-NPA dahil umano sa paglabag nito sa panununtunan sa naturang samahan. (Ulat ni Jeff Tombado)