Sundalo, Sayyaf todas sa sagupaan
November 12, 2000 | 12:00am
Isang sundalo at isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang nasawi habang isa pa sa tropa ng gobyerno ang malubhang nasugatan sa panibagong engkuwentro sa liblib na lugar sa bayan ng Indanan at Talipao, Sulu kamakalawa.
Batay sa report na nakarating kahapon sa tanggapan ni Armed Forces of the Phil. (AFP) Chief of Staff General Angelo Reyes, naganap ang unang sagupaan dakong ala-1:30 ng hapon sa magubat na bahagi ng Mt. Tumatangis, Indanan.
Kasalukuyan umanong sinusuyod ng mga elemento ng 2nd Platoon ng Alpha Company ng 71st Infantry Batallion (IB) sa pamumuno ni 2nd Lt. Poncarena nang makasagupa ang may sampung armadong Abu Sayyaf.
Nagkaroon ng pagpapalitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng mahigit sampung minuto bago tuluyang napaatras ang mga kalaban at naiwan ang bangkay ng isang Sayyaf ganoon din ang isang sundalo.
Gayunman, kasalukuyan pang beneberipika ang pangalan ng nasawing Abu Sayyaf matapos na wala ni isa mang makitang mapagkikilanlan sa bangkay nito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
3 hours ago
Recommended