^

Probinsiya

Ina, 4 anak dinukot ng Sayyaf

-
Dinukot ng tinatayang limampung maskarado at armadong kalalakihan na umano’y miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf ang isang ina at apat nitong anak sa lalawigan ng Basilan kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Leticia Pascual at mga anak nitong sina Vicente, 7; Marycris, 6; Jeffrey, 9 at Anoy, 3-anyos.

Batay sa ulat na ipinarating kahapon ng bagong talagang si AFP Southcom Chief Major Gen. Gregorio Camiling, ang insidente ay naganap dakong ala-1:00 ng madaling araw sa bisinidad ng Brgy. Lumbang, Isabela, Basilan.

Gayunman, pagkalipas lamang ng limang oras ay narekober ng humabol na mga residente ang dalawa sa mga kinidnap na sina Jeffrey at Anoy na inabandona ng mga kidnappers sa isang masukal na bahagi ng kagubatan ng nasabi ring bayan.

Samantala, nananatili namang hawak pa rin ng mga kidnappers ang tatlo pa sa kinidnap na mag-iina.

Sa isang follow-up investigation, agad namang natukoy ang namuno sa grupo ng mga suspek na si Jose Abbas, isang kilabot na pinuno ng Abu Sayyaf na nag-o-operate sa lalawigan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, kasalukuyang mahimbing na natutulog ang mag-iina nang bigla na lamang ang mga itong gulantangin ng malalakas na pagkatok ng mga armadong suspek na bumati pa sa kanila ng "Assalamu Alaikom."

Napilitan si Gng. Pascual na pagbuksan ng pinto ang inaakala nitong kaniyang mga bisita subalit agad na sinunggaban at tinutukan ng mga suspek ng baril ang biktima at tinangay din ang apat nitong anak na ginising pa ng mga ito sa mahimbing na pagkakatulog. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ANOY

ASSALAMU ALAIKOM

BASILAN

GREGORIO CAMILING

JEFFREY

JOSE ABBAS

JOY CANTOS

LETICIA PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with