15 presong pumuga sumuko, 3 rebelde todas

KORONADAL, South Cotabato – Sa patuloy na hot pursuit operation na isinaginawa ng militar at pulisya laban sa elemento ng MILF rebels at sa mga nakatakas na mga preso sa General Santos City Jail, 15 dito ang sumuko sa mga awtoridad habang 3 MILF rebels naman ang namatay sa labanan at isang CVO member ang nasawi, kamakalawa.

Kinilala ni Chief Superintendent Manuel Raval, PNP 12 Regional Director ang mga presong sumuko sa puwersa ng militar at pulisya ay sina Bong Hadjulah, Akmad Andong, Cougan Manday, Freddie Noble, Antonio Baforl, Manuel Rosie, Adonis Bigtasin, Noel Maraga, Renante Anco, Bernie Villaflor, Roy Esmael, Jobert Jugarap, Dante Anduyan, Rafael Asister at Willie Agacoscos na naaresto sa bayan ng Polomolok at Sitio Bianan, Basag, Tiboli, South Cotabato.

Sa report ng mga militar at pulisya, ang mga nasabing mga preso ay iniwan na lamang ng mga rebelde sa mga nabanggit na lugar ng magkanya-kanya na silang pulasan ng takbo habang sila ay tinutugis ng mga awtoridad. (Ulat nina Teng Garcia/Rose Tamayo)

Show comments