Killer ng barangay captain tiklo sa droga
November 10, 2000 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Isang kilabot na miyembro ng drug syndicate na nagsasagawa ang modus operandi sa Batangas, Cavite at pinaniniwalaang pumatay sa isang barangay kapitan ang dinakip ng mga operatiba ng Regional Intelligence and Investigation Division (R2) habang nagsasagawa ng pot session sa kanilang hideout sa Cavite, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Chief Supt. Lucas Managuelod, regional director ng Police Regional Office 4 ang nadakip na pugante na si Troadio Noche, 52, alyas Rocky, tubong Balayan, Batangas.
Ayon kay Managuelod, ang suspek ay nasa no. 7 most wanted person sa rehiyon 4 at may patong ang ulo na nagkakahalaga ng P350,000.
Idinagdag pa nito na si Noche ay lider ng drug syndicate na tinaguriang Noche group na nagsu-supply ng droga sa first at third district ng Cavite at Batangas.
Ito umano ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Barangay Chairman Benjie Katigbak na kilalang negosyante sa Balayan noong Disyembre 8, 1999.
Sa report ni Chief Inspector Rodolfo Elleva, team lider ng Regional Intelligence and Investigation Divison na binuong Task Force Dakip-Noche, dakong alas-11:45 ng hatinggabi ay sinalakay ang isa sa mga hideout ng suspek na aktong nagsasagawa ng pot session sa Alfonso, Cavite.
Sinabi ni Elleva na inaresto si Noche sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu ni Judge Elino Ybañez ng RTC Balayan, Batangas City matapos magsagawa ng isang linggong surveillance operation sa kanyang mga hideout sa Parañaque, Quezon City, Metro Manila at Cavite at nahaharap sa kasong drug pushing, murder at double murder. (Ulat nina Ed Amoroso/Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended