Ang mga biktima ay magkakapatid na sina Glen Perez, 6; Mary Grace, 7 at Ma. Jesus, 9 na kapwa residente ng Blk. 2 Lot 16, Brgy. San Dionisio, DBB ng nasabing bayan.
Nakakulong naman ang kanilang ama na si Marcelino, 35, walang trabaho at residente ng nasabing lugar.
Sa pahayag ni Mrs. Criselda Perez, na dakong alas-9:00 ng gabi ay galing siya sa paglalabada ng makita ang suspek na karga si Glen na akmang ihuhulog sa bintana.
Agad niya itong sinigawan kaya napigilan ang balak nitong pagtatapon sa bintana.
Dito niya nalaman na nagulpi rin ang dalawa nitong anak kayat hindi na ito nagdalawang isip na magsampa ng kaso sa pulisya dahil sa laging ginagawa nito.
Napag-alaman na ang suspek ay isa umanong adik na kapag nakagamit ng droga ay wala na ito sa sarili at binabalingan na gulpihin ang mga bata. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)