Pangulo ng unibersidad kinasuhan
November 9, 2000 | 12:00am
Ipinagharap kahapon ng kasong katiwalian sa tanggapan ng Sandiganbayan ang pangulo ng isang kolehiyong pinatatakbo ng pamahalaan sa Iloilo City bunga ng pagtatalaga ng mga anak nito bilang manggagawa sa naturang pamantasan gayung hindi naman kuwalipikado.
Nilinaw ni Ombudsman Aniano Desierto na ang pagsasampa ng dalawang bilang ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt practices Act laban kay Elpidio Locsin, Jr., pangulo ng Iloilo State College of Fisheries (ISCOF) matapos matuklasan ng Evaluation and Preliminary Investigation na iginiit ng naturang opisyal na ipasok bilang manggagawa ang kanyang dalawang anak.
Base sa rekord, noong Oktubre 29, 1997, itinalaga ni Locsin ang anak nitong si Neal Arvin bilang student laborer na bukod sa libre na sa pag-aaral ay sumasahod pa sa naturang kolehiyo.
Noong Enero 29, 1998 ay itinalaga naman nito ang isa pa niyang anak na si Gelner Keaths bilang isa ring student laborer noong Marso 30, 1998.
Natuklasan na bukod sa walang kuwalipikasyon ang dalawang anak ni Locsin na magtrabaho sa naturang kolehiyo, hindi rin ginagampanan ng mga ito ang kanilang tungkulin bagamat tumatanggap ng regular na sahod.(Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended