Honda Civic ni Brod. Pete kinarnap
November 8, 2000 | 12:00am
Isang komedyante at manunulat sa telebisyon na sumikat sa programang Bubble Gang sa episode na "Ang Dating Doon" ang nabiktima ng mga kilabot na karnaper, matapos tangayin ang sasakyan nito habang binabaybay ang kahabaan ng C-5 Road, Makati City kamakalawa ng madaling araw.
Ang biktima ay nakilalang si Herman "Isko" Salvador, alyas Brod Pete, 42, gumaganap bilang pastor sa nabanggit na programa at nakatira sa No. 52 Mearle Homes, Barangay Sto. Niño, Marikina City.
Batay sa reklamo kahapon ni Salvador kay Insp. Nestor Salvador, ng Anti-Carnapping Unit, 1:30 ng madaling araw ay sakay siya kasama ang kanyang asawa ng kanyang Honda Civic V-Tec, model 1998 na kulay dark green at may plakang WDX-867.
Papauwi na sila at binabagtas ang C-5 Road ng bigla na lamang silang harangin ng isang L-300 van na walang plaka at may sakay na 7 kalalakihan.
Mabilis na nagsibaba dito ang di pa kilalang mga suspek na pawang mga armado ng matataas na kalibre ng baril at tinutukan siya bago mabilis na isinakay sa nasabing van.
Tinangay ang kaniyang kotse at siya ay ibinaba sa Mabuhay, Carmona, Cavite. Samantala ang kanyang asawa ay naiwan sa loob ng kotse at kasama ng tinangay.
Hindi umano niya namukhaan ang mga suspek, at habang nagbibigay ito ng report sa Carmona police ay may tumawag na ang kanyang misis ay nakita na at ligtas naman.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatagpuan ang kotse nito. Nabatid pa kay Brod Pete na basta na lamang umano siya ibinagsak ng mga suspek sa may Mabuhay Carmona, Cavite, bago mabilis siyang iniwan at nagtuloy sa police station at nag-report. (Ulat nina Cristina Go-Timbang / Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 3, 2025 - 12:00am
January 3, 2025 - 12:00am