Kaso ni Payumo ibinasura ng Ombudsman
November 8, 2000 | 12:00am
OLONGAPO CITY Ibinasura ni Ombudsman Aniano Desierto ang kasong isinampa laban kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Felicito Payumo at iba pang opisyales nito kaugnay sa illegal na pagbili ng mga "luxury vehicles" para gamitin ng iba pang opisyales sa Subic Freeport.
Bunsod nito, higit na tumibay ang kasong malbersasyon na isinampa ng SBMA laban sa mga dating opisyal na si dating SBMA Chairman Richard Gordon makaraang mapagtibay ng Office of the Ombudsman na nagkaroon ng iregularidad sa paglilipat ng 16 na sasakyan ng SBMA sa lungsod ng Olongapo.
Sinabi ni Ombudsman Aniano Desierto na ang 16 na sasakyan ng SBMA ay "iligal na nasa poder at ginagamit ng Olongapo City" nang kanyang katigan ang depensa ng 14 na SBMA officials sa pangunguna ni Payumo, kasunod ng pagbasura sa kasong isinampa ni Gordon.
Ayon kay Desierto, habang inirereklamo ang ginawang pagbili ng SBMA sa mga bagong sasakyan noong Disyembre 1998 at 1999, hindi binanggit ni Jaime Mendoza, dating SBMA department head, na nasa pag-iingat naman ng Olongapo City ang 16 na sasakyan ng SBMA na umano ay iligal na inilabas sa Freeport noong Setyembre 1998 kasunod ng pagpapalit ng liderato.
Bunsod nito, itinuring ng Ombudsman ang reklamo ni Mendoza bilang "maliwanag na panggigipit" lamang sa mga kasalukuyang opisyal ng SBMA.
Kabilang sa mga sasakyang hihanabol ng SBMA sa Olongapo City ang limang Mitsubishi Pajero, Mazda Sedan, Mazda single cab pick-up, isang truck wrecker, basket trucks at dalawang makabagong 911 ambulance na may kabuuang halagang P39 milyon. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended