Militar vs MILF: 13 rebelde todas

Labintatlong miyembro ng separatistang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kumpirmadong nasawi habang dalawa naman sa tropa ng pamahalaan ang malubhang nasugatan sa madugong sagupaan na naganap sa Kauswagan, Lanao del Norte kahapon ng umaga.

Ayon kay Major Johnny Macanas, Spokesman ng 4th infantry Division (ID) ng Phil. Army, tinatayang may 100 miyembro ng mga rebeldeng MILF na may kasamang tatlong Caucasian journalists ang nakasagupa ng mga elemento ng 26th Infanry Battalion (IB).

Gayunman, sinabi ni Macanas na kasalukuyan pang beneberipika ang pangalan ng mga nasawing MILF rebels.

Kinilala naman ang mga nasugatan sa panig ng pamahalaan na sina Master Sgt. Romulo Ibañez at CAFGU Hermito Layas.

Napag-alaman na nakasagupa ng tropa ng militar ang grupo ng mga rebeldeng MILF dakong alas-5:45 ng umaga sa isang liblib na lugar sa Brgy. Lower Inudaran, Kauswagan ng nasabing lalawigan.

Balak i-harass ang headquarters ng 26th IB sa Bagumbayan pero naharang na sila ng tropa ng militar. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments