Holdaper ng Jollibee todas sa pulis
November 7, 2000 | 12:00am
MORONG, Rizal Nabigong maitakas ng apat na holdaper ang maghapong kinita ng isang sangay ng Jollibee food chain sa bayang ito matapos na makasagupa ang puwersa ng pulisya at isa sa mga ito ang namatay habang sugatang nakatakas naman ang tatlo pa kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyang hindi parin makilala ang suspek na nagtamo ng tama ng bala sa katawan dahil sa walang anumang pagkakakilanlan ang nakuha mula rito. Inilarawan naman ni SPO3 Noli Fabrid ang nasawi na may taas na 52", naka-asul na t-shirt at maong na shorts at nasa edad 20.
Sa ulat ng pulisya, isang tawag ang natanggap ng Morong PNP ukol sa nagaganap na panloloob ng apat na lalaki dakong alas-8 ng gabi sa Jollibee outlet na nasa Brgy. Wawa at armado ng isang M-16 armalite, shotgun at dalawang revolver na baril.
Agad na rumesponde ang mga ito ngunit nabatid na nakatakas na ang mga suspek sakay ng isang pinarang tricycle patungo sa direksyon ng bayan ng Baras.
Mabilis namang hinabol ng pulisya at nakorner sa may Bo. Namay, Brgy. Maybangcal at dito na nagkaroon ng pagpapalitan ng putok.
Nang datnan ng pulisya ang tricycle na ginamit ng mga suspek ay nakita nila ang isa sa mga suspek na patay na. Nagtamo rin naman ng tama ng bala sa katawan ang driver ng tricycle na inutusan ng mga suspek at nakilalang si Sonny Manzano, 48, ng Cardona, Rizal na kasalukuyang ginagamot sa Rizal Provincial Hospital.
Nabawi naman ng pulisya ang P1,290 halaga ng salapi na iniwanan ng mga suspek maging ang kalibre .38 na tatlo pang bala na gamit ng namatay na suspek. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am