Mag-utol todas sa kuryente
November 7, 2000 | 12:00am
IBA, Zambales Isang magkapatid ang iniulat na nasawi matapos makuryente sa isang nakalawit na live wire habang magpapastol ng kanilang kalabaw sa kanilang sakahan sa Sitio Tambac, Barangay San Agustin, ng bayang ito kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Chief/Inspector Rogelio Aspe, hepe ng bayang ito ang magkapatid na nasawi na sina Joven Balaong, 12, grade 5 pupil at si Ryan Balaong, 11, grade 4, kapwa nag-aaral sa San Agustin Elementary School at residente ng Barangay San Agustin.
Nabatid sa ulat na ang insidente ay naganap dakong alas-4:30 ng hapon kamakalawa habang ang dalawang biktima ay nagsadya sa kanilang sakahan para magpastol ng kalabaw.
Lingid sa kanilang kaalaman na mayroong nakalawit na live wire na naputol na dulot ng bagyong Seniang na nakabagsak sa matubig nilang sakahan.
Pag-apak nila sa kanilang sakahan ay biglang nangisay ang mga ito hanggang sa bumagsak sa tubigan na nangingitim.
Kaagad na dumamay sa mga biktima ang mga nakakita sa pangyayari at kaagad na isinugod sa Provincial Ramon Magsaysay Memorial Hospital subalit binawian din ito ng buhay. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am