2 motorsiklo nagsalpukan: 2 patay, 2 grabe
November 6, 2000 | 12:00am
VIGA, Catanduanes Dalawa katao ang nasawi kabilang ang isang pulis at dalawa pa ang nasa kritikal na kalagayan matapos na ang kani-kanilang sinasakyang motorsiklo ay magsalupakan sa Banquohan bridge nng barangay Panganiban, bayang ito.
Ang dalawang nasawi na kapwa hindi na umabot pang buhay sa Viga District Hospital ay sina SPO1 Henry Icawat, 30 , may asawa, nakatalaga sa Viga Mun. Police Station at isang nakilala lamang sa pangalang Alago, kapwa driber ng motorsiklo.
Samantala ang dalawang sugatan na pawang mga backrider ay kinilalang sina Nestor Cabanganan, 40, may asawa, lider ng mga barangay tanod ng barangay Quezon at Mrs. Vernoca Santos, 79, residente ng Cabaynan ng nasabing bayan.
Batay sa isinagawang imbestigasyon, dakong ala-1:30 ng hapon kamakalwa habang ang motorsiklo na Yamaha DT-125 na minamaneho ni SPO1 Icawat ay patungong barangay Peñafrancia habang kasalubong ang motorsiklo na Zusuki EX-4 100 na minamaneho naman ni Alagao. Naging mabilis ang mga pangyayari at biglang nagbanggaan ang dalawang motorsiklo hanggang sa tumilapon ang mga biktima sanhi ng pagkasawi at pagkasugat ng mga biktima.
Napag-alaman na si SPO1 Icawat kasama si Cabangaran ay magdadala ng isang subpoena sa isang residente ng naturang lugar para sa isang kaso na nakasampa sa korte.
Ang mga biktima ay kaagad namang isinugod ng mga nakasaksi sa insidente sa pagamutan subalit ang dalawa sa mga ito ay hindi na umabot pang buhay.
Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon ang dalawang sugatang biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended