4 preso nang-hostage ng jailguard bago pumuga
November 6, 2000 | 12:00am
Isang miyembro ng notoryos na "Delima Gang" na pinaniniwalaang aktibo noong dekada 80s kasama ang tatlong iba pa ang nakatakas sa bilangguan makaraang mang-hostage ng nag-iisang jailguard na kasama sa kanilang pagtakas kasabay ang pagtangay sa tatlong matataas na kalibre ng armas sa Leyte kamakailan.
Sa naantalang ulat ng Police Regional Office (PRO) 8 sa Camp Crame, kinilala ang mga puganteng sina Kokoy Delima, miyembro ng nabuwag ng kilabot na "Delima Gang" ng Cebu; Manuel Flores; Noel Peñaranda at Carlito Relampago.
Sa imbestigasyon, dakong alas-10:30 ng gabi, nagpaalam umano si Delima na magbabawas lamang kay Jail Guard Necito Holanda na nag-iisa ng mga sandaling iyon sa Calubian Sub-Provincial Jail.
Nang palabasin sa kanyang selda, agad na inagawan ng baril ni Delima si Holanda sabay tutok sa sentido.
Kasabay nitoy binuksan din ni Delima ang mga selda ng kanyang kasamahan at ginawang hostage si Holanda sa pagtakas ng apat na pugante.
Tinangay din ng mga bilanggo ang dalawang shotgun at isang carbine rifle na nakalagak sa armory ng kulungan.
Nagsasagawa na ng malawang manhunt operation ang mga tauhan ng Leyte PNP laban sa mga suspek. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest