^

Probinsiya

Mag-ama tinodas ng Cafgu sa loob ng palengke

-
Isang retiradong sundalo at anak na aktibong pulis ang walang awang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) sa loob ng palengke sa hindi malamang kadahilanan sa South Cotabato kamakailan.

Sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Crame ni PRO 12 director, Chief Supt. Manuel Raval, biktimang agarang nasawi ay nakilalang sina retired M/Sgt. Franklin Marquez Sr. at anak nitong si PO3 Narciso Marquez na nakatalaga sa 120-5th Police Mobile Group ng South Cotabato PNP.

Habang ang mga suspek ay nakilalang sina Tommy Cabllero, Betong Caballero at Bobot Casdarias, pawang mga miyembro ng Cafgu na nakatalaga sa Purok Riverside Detachment, Bgy. San Jose.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, namamalengke ang mag-amang Marquez sa pamilihan ng Banga, South Cotabato dakong alas-8:20 ng gabi nang lapitan nina Caballero ng walang sabi-sabi ay sinunod-sunod na pinaputukan ng matataas na kalibre ng baril ang mga nasabing biktima.

Makalipas ang ilang oras ng krimen ay kusang loob na sumuko sina Tommy at Betong sa 25h Infantry Batallion sa Surlalah, South Cotabato habang si Casarias ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad. (Ulat ni Jhay Mejias)

BETONG CABALLERO

BOBOT CASDARIAS

CAFGU

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

FRANKLIN MARQUEZ SR.

INFANTRY BATALLION

JHAY MEJIAS

MANUEL RAVAL

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with