Sa 20-pahinang desisyon na nilagdaan ni Associate Justice Narciso Nario ng Sandiganbayan fourth division chair, inatasan din nito ang akusado na magbayad ng tig-P5,000 sa sampung kaso na kinakaharap ni Mayor Romeo Lonzanida ng San Antonio kaugnay sa isinampang kaso nina Efren Tayag, Elsi De Dios at Rene Abad.
Sa isang joint complaint, inakusahan ng tatlong nabanggit si Lonzanida sa tanggapan ng provincial prosecutor sa bayan ng Iba, Zambales noong taong 1995 matapos umano na gumawa ng isang huwad na affidavit si Lonzanida ng isang titulo ng lupa para sa kanyang tatlong anak.
Ayon sa isinumiteng affidavit, ang tatlong anak ni Lonzanida ay umakupa umano ng 45,958 metro kuwadradong lupa sa Sitio Talisayan, Barangay Pundaquit ng nasabing lugar sa loob ng 30 taon.
Subalit napag-alaman din ng korte na ang tatlong anak ng alkalde ay pawang mga menor-de-edad pa lamang noon at hindi kailan man aniyang maaaring umakupa sa loob ng mahabang panahon.
Samantala, kinasuhan din ng Sandiganbayan si Romulo Madarang, assistant treasurer ni Lonzanida matapos na mapag-alaman na sangkot din ito sa pamemeke ng nasabing dokumento makaraan na ang kanilang mga nilagdaan sa nasabing dokumento ay pawang mga huwad. (Ulat ni Jeff Tombado)