Magkakapatid natusta sa sunog
November 5, 2000 | 12:00am
CARMEN, Agusan Del norte Natusta ang magkakapatid na batang lalaki nang masunog kamakalawa ng hapon ang kanilang bahay sa may Purok 3, Barangay Vinapor sa bayang ito.
Ayon sa inang si Edith Fugoso, 36, iniwan niya ang kanyang tatlong anak sa loob ng kubo nito bandang alas-9:00 ng umaga kahapon, upang maglaba sa tabing ilog habang ang kanyang asawa naman ay pumunta sa Bgy. Hall upang sumali sa isang pagpupulong.
Matapos ang ilang oras na paglalaba ng ina, sunog na ang kanilang bahay at hindi umano nasaklolohan ang mga bata ng mga kapit-bahay dahil malayo ang kubo nito sa mga kabahayan sa nasabing barangay.
Dahil sa gawa lamang sa pawid at kahoy ay madaling nilamon ang kubo ng apoy sa siyang ikinasawi ng magkakapatid na sina Ronnie, 6, Rene, 3, at Reinmart Fugoso, isang taong gulang pa lamang.
Sa ngayoy humihingi ng tulong ang mga magulang sa lokal na pamahalaan sa diumanoy dobleng kamalasan na inabot nila.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dahil sa kandila na nasagi ng isa sa mga natutulog na paslit ang diumano ang pinagmulan ng sunog. (Ulat ni Ben Serrano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest