Sundalo pinagtulungan patayin ng mag-ama
November 5, 2000 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Isang kagawad ng Philippine Army ang patraydor na binaril at ng hindi makuntento ay pinagtataga pa ang katawan nito ng isang mag-ama sa Barangay Caridad, Llanera, Nueva Ecija kamakailan.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Police Regional Office 3 Director Chief Supt. Roberto Calinisan, kinilala nito ang biktima na si Sgt. Felipe Herminio, 48, residente ng nasabing barangay.
Samantalang ang mga suspek na mag-ama ay nakilalang sina Ignacio Antonio, 57, at ang anak na si Gaudencio, 27, kapwa naninirahan din sa nasabing barangay.
Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, na ang biktima ay patungo na umano sa kanyang tahanan sa nabanggit na lugar dakong alas-3:25 noong hapon ng Miyerkules ng bigla na lamang harangan ng mag-ama ang dinaraanan nito.
Nagulat umano ang biktima sa pagkakaharang sa kanya ng mag-ama subalit binalewala nito at nagpatuloy sa paglalakad ng bigla itong barilin sa likod ng matandang Antonio.
Hindi pa umano nakuntento sa nakita ng batang Antonio ang pamamaril ng ama kaya sinundan pa nito ng pagtaga sa biktima sa ibat ibang parte ng katawan hanggang sa ito ay mapatay.
Matapos ang isinagawang krimen ay mabilis na nagsitakas ang mag-ama subalit pagkalipas ng ilang oras ay naaresto ang matandang Antonio habang ang anak naman nito ay patuloy na hinahanting ng pulisya. Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang motibo. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest