Samantala, dalawa mula sa nasabing bilang ng mga pugante ang nasakote ng mga alagad ng batas. Ito ay sina Romeo Gutierrez, may kasong murder, residente ng Brgy. San Agustin, Tiaong, Quezon na nahuli kamakalawa ng tanghali at si Elino Lantin Jr., may kasong rape ng Poblacion, Tagkanayan, Quezon. Nahuli ito sa bahagi ng Brgy. Hibanga, Sariaya, Quezon, dakong alas-6:00 kamakalawa ng gabi.
Tinuran ni Rodas na hindi siya naniniwala na dahil sa kanyang naging pagsalungat sa kahilingan ng mga preso kung kaya naganap ang jailbreak. Ipinahayag naman ni Gutierrez na sumama ang loob nila kay warden dahil hindi sila pinayagan sa kanilang kahilingan na conjugal visit na may kasamang Halloween Party noong ika-1 ng Nobyembre.
Pansamantalang pinagbabakasyon muna si Roxas sanhi ng jailbreak at pumalit si Col. Danny Flores. (Ulat ni Celine M. Tutor)