2 katao pinagbabaril sa sementeryo
November 4, 2000 | 12:00am
LIBMANAN, Camarines Sur Dalawa katao ang pinagbabaril ng mga di kilalang suspek sa loob ng Libmanan Catholic Cemetery sa Barangay Puro Batia ng bayan na ito kahapon ng madaling araw.
Pawang isinugod sa Libmanan District Hospital sina Jose Delfin Jr., 29, binata, ng Brgy. Taban at Efren Ramirez, 36, may asawa, laborer at residente ng Brgy. Bahay ng naturang lugar.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang unang insidente ay naganap dakong alas-12:15 ng madaling araw habang ang biktimang si Delfin Jr. ay nakaupo sa puntod ng kanyang mga mahal sa buhay ng barilin ito habang nakatalikod ng suspek saka tumakas.
Makalipas ang isang oras, si Ramirez naman ang binaril ng mga di-nakikilalang mga suspek habang ito ay papasok sa loob ng sementeryo dakong ala-una ng madaling araw ng araw ding yon.
Napag-alaman na bago ang pamamaril sa biktima ay pinagtulungan muna itong bugbugin ng limang di-nakikilalang mga kalalakihan habang ang biktima ay papasok sa loob ng sementeryo.
Nang hindi makuntento ang mga suspek ay isa rito ang nagbunot ng baril at pinaulanan ng bala ang biktima bago nagsitakas.
Pawang nasa malubhang kalagayan sa ospital ang mga biktima at nagsasagawa na ng isang masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para alamin ang motibo ng magkasunod na pangyayari. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest