^

Probinsiya

15 preso pumuga sa Quezon provincial jail

-
LUCENA CITY – Labinlimang preso na may kinakaharap na mabibigat na kaso at pinaniniwalaang sinamantala ang hagupit ng bagyong Seniang ang pumuga mula sa Quezon Provincial Jail kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Asst. Provincial Jail Warden Rolando Aldovino ang mga pumugang preso na sina Romeo Andaya, Rolando de Chavez, Elino Lantin Jr. at Edwin Medrano na pawang may mga kasong rape; sina Randy Gabo, Alvino Bruce, Reynaldo Roxas, Juan Zosimo Veninoso, Lauro Mitra, Gofrey Miranda at Mario Gamez na pawang may kasong murder.

Ang may mga kasong homicide naman ay sina Benjie Duran, Bernardo Umali, Jimmy Abad sa kasong qualified theft.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Romeo Gutierrez na leader ng Sputnik Gang na may kasong murder ay mabilis din nasakote dahil sa mga concerned citizens sa Zaballero Subd., Brgy. Gulang-Gulang.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong ala-1 hanggang alas-2 ng madaling araw kahapon ng pumuga ang mga preso mula sa selda 7 ng nasabing piitan habang nananalanta ang bagyong Seniang.

May teorya ang pulisya na matagal nang binalak ng mga preso ang pagpuga sa pamamagitan ng paglagare ng rehas na bakal malapit sa tower na walang guwardiyang nagbabantay dahil sa lakas nang buhos ng ulan at hangin.

Ayon sa pulisya, gumamit ang mga pumugang preso ng kumot na itinali sa magkabilang dulo.

Mananagot naman ang mga guwardiya na nagpabaya sa pagbabantay na sina PG3 Rodolfo Glorioso, Maximo Manalo, Buenaventura Zeta, Rolando Rivera, Aristotle Aquino, Ronnie Javid, Dionisio Abrihan, Ricardo Afable, at Jonathan Gaola.(Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)

vuukle comment

ALVINO BRUCE

ARISTOTLE AQUINO

AYON

BENJIE DURAN

BERNARDO UMALI

BUENAVENTURA ZETA

CELINE TUTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with