Problemandong obrero nag-suicide
November 3, 2000 | 12:00am
LAGUNOY, Camarines Sur Kaysa ma-praning, minabuti ng isang binata na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang leeg sa Sitio Lontoy-Minuro, kamakalawa ng gabi sa bayang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Vicente Herezo, 33, binata, isang electrician, tubong Barangay Tigum, Iloilo City at pansamantalang nakatira sa Barangay Agpo ng naturang lugar.
Ang bangkay ng biktima ay nadiskubre dakong alas-8 ng umaga kahapon sa loob ng isang bahay kubo sa gitna ng pataniman ng palay at nakita ang saksak nito sa leeg.
Ang biktima ay nagtatrabaho bilang construction worker ng simbahan na ipinatatayo ng Mormon sa naturang lugar.
Napag-alaman na ang biktima ay nag-iwan ng isang suicide note bago nagpatiwakal at nagsabing hindi na niya makayanan ang kanyang problema at malapit na siyang masiraan ng ulo.
Sa masusing imbestigasyon na isinagawa ni SPO1 Raul Pecaso ng Lagunoy PNP, tinatayang nagpakamatay sa pagitan ng alas-7-9 ng gabi noong Miyerkules sa naturang bahay kubo ang biktima.
Narekober ng mga awtoridad ang isang kutsilyo sa tabi ng bangkay na tinatayang ginamit nito sa kanyang pagpapatiwakal at nabatid na walang senyales na may foul play. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended