Lolo dinukot bago pinatay
November 3, 2000 | 12:00am
IBA, Zambales Posibleng dinukot at pinatay sa ibang lugar ang isang 65-anyos na lolo matapos matagpuan na nakahandusay sa madamong lugar ng tulay ng Barangay Zone 6 ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Sa ulat na tinanggap ni Chief Inspector Rogelio Aspe, hepe ng bayang ito, nakilala ang nasawi na si Benjamin De Vera, may-asawa at residente ng Barangay Zone 2 ng naturang bayan.
Ayon sa ulat, ganap na alas-6:45 ng gabi ng matagpuan ang biktima na nakahandusay sa nasabing lugar na puro pasa sa katawan at duguan ang ulo.
Kaagad na dinala sa Provincial Ramon Magsaysay Memorial Hospital ng mga nagmalasakit na mamamayan subalit binawian din ito ng buhay.
Nabatid na si De Vera ay nanggaling sa kanilang lupain sa Sitio Talugtog, Barangay Bangantalinga para mag-spray ng kanyang manggahan ng umagang yon at napadaan ito sa isang inuman.
Pinaniniwalaang nakaaway ng biktima ang naging kainuman bago ito dinukot at dinala sa ibang lugar at doon ginawa ang pagpapahirap na dinanas nito.
Patuloy ang malawakang imbestigasyon ng mga awtoridad kung ano ang naging motibo ng pagpaslang sa biktima at isang manhunt operation naman ang inilunsad para sa ikadarakip ng mga salarin. (Ulat ni Erick Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended