Magsasaka inutas dahil sa saging
November 1, 2000 | 12:00am
CAMALIG, Albay Dahil kinukuha ang bunga ng isang puno ng saging na nabuwal ng bagyong Reming, isang lalaki ang nasawi matapos na ito ay tagain ng kanyang kapitbahay kamakalawa ng hapon sa Barangay Panoypoy ng bayang ito.
Ang biktima na hindi na umabot pang buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ay nakilalang si Dionisio Lucillo 65, may asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar.
Samantala, ang suspek ay si Gregorio Muella 54, may asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-4:30 ng hapon habang ang biktima ay nag-iikot sa kanyang lupain para tingnan kung ano ang mga nasalantang pananim.
Ngunit ng makita ng biktima ang suspek na pinuputol ang isang puno ng saging na nabuwal at kinukuha ang bunga nito ay nagalit ito dahil hindi man lamang nagpaalam sa kanya ang huli.
Sa galit ng biktima, ito ay umuwi muna sa kanilang bahay para kunin ang itak subalit siya ay sinalubong ng suspek ng taga.
Dahil sa medyo bata pa ang suspek ay mabilis na nailagan nito ang mga unday ng taga ng biktima hanggang sa tamaan ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Mabilis naman na isinugod ang biktima ng kanyang pamilya sa naturang pagamutan subalit namatay na ito bago dumating dito.
Kaagad namang sumuko ang suspek sa kanilang barangay kagawad na bago isinuko naman sa mga awtoridad. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended