Ito ang nabatid ng Pilipino Star Ngayon (PSN) mula sa mapagkakatiwalaang source matapos umanong makakuha ng mababang 30 porsiyentong approval rating si Mayor Pineda sa isinagawang survey sa nasabing lalawigan.
May plano sana umano si Mayor Pineda, maybahay ng pinaghihinalaang jueteng lord na si Bong Pineda ng Luzon na kumandidato bilang gobernador sa darating na 2001 elections laban kay Gov. Lapid.
Ayon naman sa malapit kay Pineda, sa sandaling tumaas umano sa 40 porsiyento ang approval rating nito bago sumapit ang campaign period para sa darating na gobernatorial race sa May 11 elections ay posibleng ituloy nito ang kanyang kandidatura.
Samantala, kinumpirma naman ni Vice-Gov. Clayton Olalia na nakahanda nitong isakripisyo ang kanyang posisyon upang magbigay-daan sa anak ni Vice-President Gloria Macapagal-Arroyo na inaasahang magiging susunod na Pangulo sa sandaling mapatalsik sa pamamagitan ng impeachment o resignation si Pangulong Estrada.
"Basta para sa kabutihan ng Pampanga ay nakahanda akong magsakripisyo dahil ang kagalingan naman ng mga Cabalen namin ang aming unang iniisip ni Gov. Lito Lapid," wika pa ni Olalia. (Ulat ni Rudy Andal)