^

Probinsiya

Asawa ni Bong Pineda umatras kay Gov. Lapid

-
SAN SIMON, Pampanga – Wala na umanong plano si Lubao Mayor Lilia Pineda na ituloy ang kanyang plano na tumakbo bilang gobernador ng lalawigang ito laban kay Gov. Lito Lapid.

Ito ang nabatid ng Pilipino Star Ngayon (PSN) mula sa mapagkakatiwalaang source matapos umanong makakuha ng mababang 30 porsiyentong approval rating si Mayor Pineda sa isinagawang survey sa nasabing lalawigan.

May plano sana umano si Mayor Pineda, maybahay ng pinaghihinalaang jueteng lord na si Bong Pineda ng Luzon na kumandidato bilang gobernador sa darating na 2001 elections laban kay Gov. Lapid.

Ayon naman sa malapit kay Pineda, sa sandaling tumaas umano sa 40 porsiyento ang approval rating nito bago sumapit ang campaign period para sa darating na gobernatorial race sa May 11 elections ay posibleng ituloy nito ang kanyang kandidatura.

Samantala, kinumpirma naman ni Vice-Gov. Clayton Olalia na nakahanda nitong isakripisyo ang kanyang posisyon upang magbigay-daan sa anak ni Vice-President Gloria Macapagal-Arroyo na inaasahang magiging susunod na Pangulo sa sandaling mapatalsik sa pamamagitan ng impeachment o resignation si Pangulong Estrada.

"Basta para sa kabutihan ng Pampanga ay nakahanda akong magsakripisyo dahil ang kagalingan naman ng mga Cabalen namin ang aming unang iniisip ni Gov. Lito Lapid," wika pa ni Olalia. (Ulat ni Rudy Andal)

BONG PINEDA

CLAYTON OLALIA

LITO LAPID

LUBAO MAYOR LILIA PINEDA

MAYOR PINEDA

PAMPANGA

PANGULONG ESTRADA

PILIPINO STAR NGAYON

RUDY ANDAL

VICE-PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with