4 paslit nabawi sa mga kidnapers
October 31, 2000 | 12:00am
Nabawi ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) sa Baguio City ang tatlong paslit na kinidnap ng kanilang yaya habang namamasyal sa SM Mega Mall sa Mandaluyong City noong Oktubre 23 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay PAOCTF at PNP Chief Director Panfilo Lacson, nabawi ng kanyang mga tauhan ang mga biktimang sina Franz Benedict Cangco, 10, Janice Tuico, 3 at kapatid na si Maria Mae Tuico, 10 sa suspek na si Donna Mamerto, 15.
Ang pagkabawi sa mga biktima ay dulot ng pagkahuli sa suspek ng mga pulis ng Baguio City ng makitang pakalat-kalat ito sa isang bus terminal dala ang mga bata.
Ang mga biktima ay unang dinala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang ang suspek ay kinuha ng PAOCTF sa kulungan nito sa Baguio City Police Headquarters matapos magsampa ng kasong kidnapping ang ina ng biktima.
Napag-alaman na ang suspek ay miyembro ng isang sindikato na ang modus-operandi ay magpapanggap na isang katulong at pagkatapos ay magsasagawa ng pangingidnap.
Samantala, naligtas din ng PAOCTF Mindanao at Intelligence Service of the Armed Forces of the Phil. (ISAFP) ang isang siyam na taong gulang na batang Chinese na kinidnap ng pinaghihinalaang big time kidnap-for-ransom (KFR) gang na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa isang kidnapper matapos matunton ang safehouse ng mga suspek sa Sacol Island, Zamboanga City kamakalawa.
Kinilala ang nasagip na biktima na si Richard Lim, anak ng mayamang negosyanteng Chinese.
Nakilala naman ang naarestong kidnapper na si Bading Obdilla na nakorner ng mga operatiba ng pamahalaan habang papatakas.
Nabatid na ang bata ay kinidnap ng grupo ni Kadam Tamburan alyas Ambu, na siyang itinuturong pinuno ng big time kidnap gang sa Zamboanga City at mga karatig lugar.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame at Camp Aguinaldo, dakong alas-3 ng madaling araw ng sorpresang lusubin ng mga awtoridad ang safehouse ng mga suspek sa isang liblib na lugar sa Sitio Intusan, Brgy. Landang Sacol Island, Zamboanga City. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 20 hours ago
By Doris Franche-Borja | 20 hours ago
By Cristina Timbang | 20 hours ago
Recommended