Kumander Robot grabe sa atake ng militar
October 28, 2000 | 12:00am
MAGUINDANAO Nasa malubhang kalagayan ngayon si Abu Sayyaf Kumander Ghalib Andang alyas Robot dahil sa mga tinamo nitong tama ng bala sa katawan sa isang artilery attack na isinagawa ng militar.
Ito ang inihayag ni Sulo Vice Gov. Hadji Munib Estino sa isang panayam sa kanya dahil ang mga sumukong miyembro ni Kumander Mujib Susukan na mula sa Panglima Estino Municipality ang magkakapagpatunay ng naturang balita.
Sinabi umano sa kanya ng mga sumukong mga Abu Sayyaf na tinamaan si Robot ng magkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng grupo nito at ng militar ng araw na inabandona nina Robot ang 3 nasagip na mga Malaysian.
Duguang itinakas si Robot ng mga miyembro nito. Dagdag pa ni Estino, na ang bihag umanong si Jeffrey Craig Schilling na kasalukuyan pa ring nasa kamay ni Abu Sabaya ay nanghihina na umano dahil sa taglay nitong karamdaman dahil sa kakulangan ng sapat na makakain at nagkaroon na rin ng malalang sakit sa balat.
Samantala, nagkamal ng salapi bilang kabahagi mula sa tinatayang mahigit P800 milyong ransom money na nakumlimbat ni Abu Sayyaf Commander Ghalib Andang alyas Kumander Robot ang ilan sa mga sumukong bandido sa pamahalaan.
Ito ang kinumpirma kahapon ni AFP Southern Command Spokesperson Col. Hilario Atendido kung saan sinabi pa nito na personal itong inamin sa kaya ng ilang sumukong ASG matapos na sumailalim sa interogasyon.
"Yung iba, umamin ay binigyan sila ng bayad ranging from three thousand to five thousand pesos, pero hindi na raw nasundan yun," pahayag ni Atendido. (Ulat nina Rose Tamayo at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended